Search
Search
spacer
Search
Now Accepting
spacer
PayPal

Jose Dagala


Biography

Si Jose Dagala ay kasalukuyang Information, Education and Communications (IEC) Officer sa Community Relations and Development Office ng TVI Resource Development Philippines Inc. na isang kompanya ng mina na may operasyon sa Sitio Canatuan, Brgy. Tabayo, Siocon, Zamboanga del Norte at may kasalukuyang Exploration Project sa aprobado nitong MPSA sa Balabag, Brgy. Depore, Zamboanga del Sur. Isa siya sa mga gumawa at nagdisenyo ng Five-Year Social Development and Management Program (SDMP), 2008-2013 ng TVIRD bilang pagsunod sa mandato ng RA 7942 o Mining Act of 1995 sa lahat ng kompanya ng mina sa Pilipinas. Ang kanyang departamentong kinabibilangan ay ang taga disenyo at tagapagpatupad din ng Corporate Social Responsibility Programs (CSR) ng kompanya na nakabatay sa mga prinsipyo ng Human Rights. Ang karanasang ito ay nagbigay nag pagkakataon sa kanya na makasama o makadaupang palad ang mga katutubong Subanon sa Siocon at Bayog; magalugad ang mundo ng mina at maranasan ang iba pang realidad sa kabundukan. Dati siyang guro sa Araling Panlipunan sa Chiang Kai Shek College (2003-2006) at nagturo ng mga asignaturang Kasaysayan ng Daigdig at Ekonomiks. Nagtapos si Jose Dagala ng kursong Bachelor of Science in Education major in Social Science (Cum Laude) sa Philippine Normal University (April, 2003). Natapos niya rin ang sertipiko sa Women's Studies (2004) bilang karagdagang pag-aaral sa nasabing Pamantasan. Ang kanyang unang tulang "K'wentong Iskwater" ay nanalo ng Ikatlong Karangalan sa lka-9 na Taunang Gawad Pampanitikan ng The Torch (ang opisyal na student publication ng PNU) na kinaluna'y naging Gawad Genoveva Edroza-Matute. Sa kasalukuyan ay tinatapos niya ang kanyang tesis para sa kanyang Master of Arts in Development Policy sa De La Salle University-Manila (DLSU). Ang unang koleksiyon ng tula niyang ito ay hindi lamang isang pagtatangka na makilala siya sa mundo ng Literatura, kung 'di ay lalong higit upang maimulat ang maraming taga-lungsod sa mga pangyayari sa mundo ng mina; mundo ng mga katutubo at iba pang kaganapan mayroon sa kabundukan na maaaring simulan ng mga pag-uusap tungo sa isang konkretong simulain o adbokasya.
spacer
Tuktok
(Softbound)
List Price: 225.00
Ang bundok ng Canatuan ay matatagpuan sa probinsiya ng Zamboanga del Norte. Isa itong Sitio na sakop ng Barangay Tabayo ...