Search
Search
spacer
Search
Now Accepting
spacer
PayPal

Elpidio Fernandez Cruz


Biography

Si ELPIDIO FERNANDEZ CRUZ ay ipinanganak sa Cainta, Rizal, Pilipinas noong ika-16 ng Nobyembre, 1936. Siya ay nagtapos noong 1951 sa Mababang Paaralan ng Cainta at noong 1955 sa Mataas na Paaralan ng Rizal sa Pasig. Matapos ay nag-aral siya sa Pamantasan ng Far Eastern sa Maynila ng kursong A. B. Mathematics at B.S. Electrical Engineering, at sa Pamantasan ng Ateneo de Manila ng kursong Master in Business Administration. Siya ay nagturo ng Matematika at Electrical Engineering sa dalawang pamantasan sa Maynila, sa Far Eastern University at University of the East sa gabi, habang namamasukan bilang Electrical Engineer sa Manila Electric Company (MERALCO) at nang huli, bilang Senior Manager ng Philippine Electric Corporation (PHILEC) kung araw. Nahalal siyang Pangulo ng Samahan ng mga Inhenyero sa MERALCO noong 1973. Siya ay isang Professional Electrical Engineer at naging masugid na kasapi ng nag-iisang Pambansang Samahan Ng Mga Inhenyerong Elektrikal sa Pilipinas (Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines-IIEE). Nahalal siyang Pambansang Pangulo ng samahang ito, (IIEE) noong 1983 at naging Kagawad na Tagapangalaga (Trustee) ng Sanggunian Ukol Sa Teknolohiya sa Pilipinas (Philippine Technological Council-PTC) nang taon ding yaon. Naging Kagawad din siya ng Pampanguluhang Lupong Tagahatol para sa timpalak ng imbensyon, inobasyon at malikhaing pananaliksik na inilunsad ng Pambansang Pangasiwaan ng Agham at Teknolohiya ng Pilipinas. Naging Myembro siyang Panghabang Buhay (Life Member) Bilang 3 at “Fellow” ng Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines (IIEE). Dahil sa matinding pangangailangan ay napilitan ang may-akda na mangibang bansa at mamasukan sa Estados Unidos ng Amerika. Siya ay naglingklod bilang Regional Manager ng Homac Manufacturing Company ng Florida, U.S.A. sa buong Asia-Pasipiko. Malaunan ay namasukan din siya sa dalawang kompanya sa Estados Unidos na itinatag ng mga dati niyang kasamahan sa MERALCO at dahilan dito ay itinalaga siya bilang Project Manager sa Pacific Bell at malaunan ay hinirang na Director for Marketing ng BERG Power Engineers, Inc. sa California, U.S.A. Dala ng maagang pamamahinga sa kanyang gawain bilang inhinyero noong 1997 ay naipasiya niyang pagbalikan ang dati niyang hilig sa pagkatha ng mga tula at bigyang daan ang kanyang hilig sa kasaysayan. Minarapat niyang talakayin ang pinakamalawak na paksa, ang Kasaysayan ng Daigdig, na kinapapalooban ng maraming mga salisalimuot na pangyayari na maaaring isabuhay at isalarawan sa pamamagitan ng tula at mga larawan. Sinadya niyang ipakita sa buong daigdig ang kagandahan at kayamanan ng wikang Pilipno na dapat nating ipagmalaki. Layunin din niyang pag-alabin ang diwang Pilipino upang tahasang manumbalik ang pagkagiliw ng mga Pilipino sa kanilang katutubong wika at kultura.
spacer
Napakaraming aklat ang nasulat na sa iba't-ibang wika tungkol sa kasaysayan ng daigdig. Maraming Magagaling na mananalaysay ang gumamit ng ...