Search
Search
spacer
Search
Now Accepting
spacer
PayPal
< Back

Subscribe / Purchase


  • Print Edition
    PHP225.00
  • Title: Tuktok
  • Author: Jose Dagala
  • No. Of Pages: 63
  • Size: 6"x9"
  • Edition: 2008 Edition
  • Binding: Softbound
  • Description:

    Ang bundok ng Canatuan ay matatagpuan sa probinsiya ng Zamboanga del Norte. Isa itong Sitio na sakop ng Barangay Tabayo na sakop naman ng Munisipalidad ng Siocon. May apat hanggang limang oras ang biyahe paakyat sa Canatuan mula sa Zamboanga City. Habal-habal o motorsiklo ang karaniwang transportasyong ginagamit ng mga tao doon. Matatagpuang naninirahan sa nasabing lugar ang mga katutubong subanon na may natatanging kultura. Mayroon silang tinatawag na Timuay o Tribal Chieftain at Bolian o Spiritual Leader.

    Ang Balabag ay isang kabundukan na matatagpuan sa Probinsiya ng Zamboanga del Sur. Isa itong Sitio na sakop ng Barangay Depore na sakop naman ng Munisipalidad ng Bayog . subalit sa kasalukuyan ay may pagtatalo pang nagaganap hinggil sa jurisdiction ng nasabing lugar sa pagitan ng Bayog at Munisipalidad ng Diplahan na sakop ng Probinsiya ng Zamboanga Sibugay. Hindi tulad sa Canatuan na may kalsada, ang Balabag ay walang kalsada mula sa Poblacion. Habal-habal din ang ginagamit ng mga tao upang makarating sa Balabag.