Search
Search
spacer
Search
Now Accepting
spacer
PayPal
< Back

Subscribe / Purchase


  • Print Edition
    PHP277.00
  • Title: Dawn Poets Society XXXVIII 'Sang Pilas Dekada
  • Author: Ez Khan, dps and Matanglawin D, SaintSinner
  • Publisher: Francis Gallano DELGADO and Central Book Supply, Inc.
  • No. Of Pages: 100
  • Size: 3" x 4"
  • Edition: 2015
  • Binding: Softbound
  • Description:

    "Isa ang University of the East, noong Dekada 50, sa mga kadluan ng talinghaga. Sa tulong ng Kapisanang Aklat, Diwa, at Panitik (KADIPAN) na may taunang patimpalak para sa mga pahayagang pang-kampus, partikular sa seksiyon sa Pilipino. Pagkaraan ng humigit-kumulang na isang taon, muling nagbukang-liwayway sa silangan. Sa pamamagitan ng Dawn, ang peryodiko ng UE, isisilang ang tungkong-kalan ng panulaan. Sila ang mga makatang sina Virgilio S. Almario, Lamberto E. Antonio, at Rogelio G. Mangahas. Sila ang naging hudyat ng “ikalawang daluyong ng Modernismo sa Tagalog.” Sila ang ilan sa mga makatang galing sa mga unibersidad nagpabagsak sa mga kung tawagin ni Rio Alma ay “Balagtasista.” Pagsapit ng Dekada 70, ipapanganak ang pagtula ng makatang si Teo T. Antonio na inilalangkap ang panitikang agraryo sa aktibismo. Itatag nila ang Galian sa Arte at Tula (GAT) na tutuklas naman sa mga tula ng tulad nina Mike L. Bigornia at marami pang iba."

    "Ito ang ikinahusay ng koleksiyong ito ng Dawn Poets Society. Ito ang ikinagaling nina Matanglawin, D, at SaintSinner na muling nagpaalala sa ambag ng kanilang pamantasan sa panulaan. Ito ang ikinahalaga ng ganitong kalipunan na siya ring katipunang inspirasyon magpahanggang-ngayon ng bagong henerasyon ng mga makata.” --Vim Nadera

    A collection of Filipino poetry in tulang de bulsa or pocket poem (TBPP) version. Part of the earning/proceed will be given to the kids of Hospico De San Jose (HDSJ), Quiapo, Manila.