Description
Isang gabi, bitbit ni Renato ang isang ilawan na may kakaibang laman—ang puso ng kaniyang anak na si Lerma! Dahil malubha ang sakit ng kaniyang anak, kailangan niyang humanap ng isang pusong malinis at busilak upang gumaling at mabuhay si Lerma. Makakahanap kaya siya ng tutulong para mapanatiling buhay ang puso ni Lerma? Halina’t samahan si Renato sa kaniyang mahiwagang paglalakbay.







