Description
Pagkatapos ng ulan, may napansing kakaiba si Rahmino, ang Tagapagbantay ng Bahaghari—may isang kulay na nawawala! Habang nag-aalala siya, isa-isa namang nagpakilala ang ibang kulay na nananatili sa langit. Ngunit sa likod ng makapal na ulap, may isang kulay na nagtatago at nagdududa sa sarili. Mabubuo kaya muli ang bahaghari kapag natagpuan ang nawawalang kulay?







