MALIKHAING AWTOR ng literature & law sa pambata at young adults si Adíng Kiko, dps. Unang edukasyon niya sa isang pampublikong paaralan sa Navotas, at Univeristy of Manila. Kumuha siya ng kurso sa batas (UE at SSC) at naging editorial staff sa isang law journal. Bukod sa patnugot sa Filipino, si Kiko ay naging Features section head ng lingguhang pahayagang pangkampus na Dawn, napiling makasama sa AILAP Writing Lab at gradweyt fellow ng mangá workshap na Palihang LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo), at Writing The Forest DLSU. Rehistrado din bílang awtor/manunulat ng National Book Development Board (NBDB). Lumabas ang kaniyang mangá akdâ sa UE Dawn, at literary folio nitong Dimension, MaMag malayang magasin, Dawn Poets Society literary journals, Takipsilim Kuwentong Pambata, Gawad Alagad Panitikan, LIRA Ovo | Zen, Philippines Graphic, Ani ng Cultural Center of the Philippines Intertextual Division, sa mangá ntolohiyang Mabaya (7 Eyes Productions), at To Let The Light In (Sing Lit Station at ng Asia Pacific Hospice Palliative Care Center) sa Singapore, A Journal Of The Plague Year (Arizona State University SHPRS), Beatific Magazine sa Estados Unidos, NBDB Bookwatch, digital media kagaya ng University of the Philippines – Manila The Reflective Practitioner, Artikulo Ko To!, Panitikan.Ph, The Maginhawa Street Journal, pati na din sa mangá referred dyornal ng PSLLF na Kawíng, at Luntian. Nakapaglimbag ng higit tatlumpong aklat-pampanitikan, ang kaniyang mangá akdâ sa Filipino ay ginagamitan niya ng mangá sagisag-panulat. Si Kiko ay isa sa mangá alagad ng panitikang Filipino—tagapagturo, patnugot, tagasalin, iskolar, histoyador, teorista, pilosopo, kritiko, mananaysay, mandudula, mangangatha, manunula, photographer, ilustrador, at rebyuwer. Nag-aral siya ng malikhaing pagsusulat sa Ateneo De Manila University, at nang lumaon, sa University of Oxford. Kasalukuyan niyang itinutuloy ang kaniyang myth gamit ang teknik na pabula, eco-humanities bílang janra, at sub-janrang forestry—plants & trees. Dagdag pa, naimbitahan siya sa isang oral presentation Reading The Regions ng NCCA National Committee for Literary Arts (NCLA).