Description
May baha sa labas ng aming bahay.
Umabot na ito sa aming tarangkahan.
Hanggang tuhod ang taas ng baha.
Walang tigil ang malakas na ulan!
Saan kaya kami maaaring pumunta?
Paano kami lilikas kasama si Mingming,
ang alaga kong kuting?
Angkop ang aklat-pambatang ito para sa mga
batang nasa Kinder hanggang Grade 3.