Description
May kunwa-kunwariang digmaan sa loob ng bahay.
Kampo ni Top ang maayos na damitan ng kaniyang Mama.
Kampo naman ni Ading ang magulong damitan ng kaniyang Papa.
Masayang naglalaro na parang nasa battlefield ang mag-Kuya.
Paborito rin nilang libangan ang mag-stargazing
kasama ang kanilang Mama at Papa.
Kaya bang makita ng isang telescope ang tunay
na nangyayari sa pamilya ng magkapatid?
Ano kaya ang hiling ni Ading
nang una siyang makakita ng bulalakaw
gamit ang telescope?
Rekomendado ang aklat na ito para sa mga batang edad 9 pataas.