Description
Si Bagwis ay isang kalapating may pulang marka sa dibdib na palaging ipinagmamalaki ang kanyang ganda at tapang. Hindi siya nakikinig sa mga babala ng kanyang magulang at mas piniling maglibot sa kagubatan. Hanggang isang araw, humarap siya sa panganib na hindi niya kayang harapin mag-isa. Sino kaya ang tutulong sa kanya, at ano ang matututuhan niya mula sa karanasang ito? Tara, tuklasin natin!