Description
Nang pagtalunan nina Tubig, Lupa, Apoy, at Hangin kung sino sa kanila ang pinakamahalaga, unti-unting tumigil ang buong bayan ng Malinao. Ayaw dumaloy ni Tubig. Ayaw lumambot ni Lupa. Ayaw magbigay-init ni Apoy. Ayaw umihip ni Hangin. Sa gitna ng katahimikan, naghihintay ang batang si Lila para sa kanyang payak na pagdiriwang ng kaarawan. Yakap niya ang isang kahong walang laman na siya mismo ang nagbalot, habang umaasang may magandang mangyayari. Ngunit nang mapansin siya ng apat, may unti-unting nagbago. Muli kaya nilang pasiglahin ang Malinao?
Rekomendado ang aklat na ito sa mga batang 6 pataas.










