
DULÁNG SALIN Bolyum 2 (Mga Dulâ sa Wikang Sebwano Patungo sa Wikang Filipino)
₱680.00Hindi biro ang pagsulat ng mga malikhaing obra. May kaniya-kaniyang estetika ang pagbuo ng iba’t ibang anyo ng panitikan: tula, dulâ, nobela, maikling kuwento, sanaysay, atbp. Sa larangan ng dula, may iba’t ibang uri rin: duláng pantanghalan, duláng panradyo, dulang pantelebisyon, at duláng pampelikula. Gayundin, sari-sari ang anyo ng mga dulâ: mga dulang Griyego at Shakespeare na tulad ng trahedya, komedya, trahe-komedya, historikal; avant-garde, absurdo, Brechtian, atbp.


Elebasyon: Mga Panitikang Oral sa Mga Piling Bayan ng Cavite
₱380.00Ang aklat na ito ay produkto ng masusing pananaliksik ni Abubakar na pinamagatang “Analisis sa Topograpikal na Elemento na Nakaimpluwensiya sa Pagbuo ng mga Kuwentong Bayan sa Lalawigan ng Cavite.” Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, pinagsama-sama ni Abubakar ang mga piling kuwentong-bayan at alamat mula sa iba’t ibang bayan ng Cavite, mga salaysayin na sa kabila ng pagiging bahagi ng panitikang oral, ay taglay ang lalim ng karanasang panlipunan at heograpikal ng mga mamamayan sa rehiyon.



