Description
Bisperas ng Pasko.
Nagmamadali Si Aling Ine na matapos
ang mga tahiing damit-pambata nang maihatid ito
sa tahian ni Aling Conching.
Tumulong si Sinta sa ina.
Dinig ni Sinta buhat sa mga kapitbahay ang ingay
sa paghahanda sa darating na Noche Buena.
Dinig niya ang tinatadtad sa sangkalan.
Amoy niya ang mga inilulutong putahe.
Ano kaya ang pagsasaluhan ng mag-ina
sa Noche Buena?
Paano kung pasarado na ang palengke?