Description
Si Ramil ay isang pilandok na mas piniling unahin ang sarili sa paghahanap at pagtatago ng pagkain. Dahil sa kanyang kasakiman, nagawa niyang magsinungaling sa mga kasamahan niya sa kagubatan. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magbabago sa takbo ng kaniyang karanasan. Matututuhan kaya ni Ramil ang tunay na kahulugan ng pagiging tapat at mabuting pilandok?







