Description
Masiglang bata si Bibo na mahilig maglaro at tumawa. Isang araw, binigyan siya ni Tatay ng isang espesyal na hamon—ang sampung misyon upang maging isang Batang Ligtas. Sa bawat misyon, natututo si Bibo kung paano alagaan ang sarili, makinig sa mga nakatatanda, at gumawa ng mabubuting desisyon sa araw-araw. Matatapos kaya ni Bibo ang lahat ng misyon at maipapakita na kaya niyang maging tunay na Batang Ligtas?







