Description
Nakatutuwang malaman na isinaaklat na niya ang kanyang mga katha at itinapat ang paglulunsad nito sa kanyang ika-90 taong kaarawan. Higit sa lahat, sa kanyang hangaring makatulong ang aklat, hindi lamang sa mga guro kundi lalo’t higit sa mga mag-aaral, na matuklasan nila ang wikang Filipino ay isang likas na yaman ng bansang Pilipinas.