Description
Ang aklat na ito, Pagdalumat sa Kulturang Pilipino: Ilang Teoretikal na Pagtatasa, ay bunga ng pagmumuni, pananaliksik, talakayan at sama-samang paghahanap ng mas malalim na pag-unawa sa kung ano nga ba talaga ang bumubuo sa tinatawag nating Kulturang Pilipino. Isa itong proyekto ng loob, organiko at emikong pagtanaw sa ating pinanggalingan, kasalukuyan at mga landas na maaaring tahakin ng ating pagka-Pilipino sa gitna ng mabilis na umiinog na daigdig.