Description
Hindi biro ang pagsulat ng mga malikhaing obra. May kaniya-kaniyang estetika ang pagbuo ng iba’t ibang anyo ng panitikan: tula, dulâ, nobela, maikling kuwento, sanaysay, atbp. Sa larangan ng dula, may iba’t ibang uri rin: duláng pantanghalan, duláng panradyo, dulang pantelebisyon, at duláng pampelikula. Gayundin, sari-sari ang anyo ng mga dulâ: mga dulang Griyego at Shakespeare na tulad ng trahedya, komedya, trahe-komedya, historikal; avant-garde, absurdo, Brechtian, atbp.













