Ang aklat na EDSA Dos na ikatlong bolyum ng Demokrasya at Kudeta ay naglalarawan ng iba’t ibang uri ng damdamin – lugod, galak at saya, lumbay, takot at pangamba, galit at poot, tatag ng loob at paninindigan, habag, panghihinayang, pagsisisi, at iba pa – na nagluwal ng makukulay at eksplosibong mga yugto ng kasaysayan ng bansa. Ang isa sa pinakatampok na bahagi ng aklat ay tungkol sa trahedyang idinulot ng paglilitis kay dating Pangulong Joseph E. Estrada ng Impeachment Tribunal ng Senado at ang lumabas na hatol ng Sandiganbayan sa kanyang kasong pandarambong at pagsisinungaling.