Description
ANG MAKABULUHANG PAGTATATANGKA NI MARIO sa Dissidente na isambulat ang bulok na bituka ng lipunan ay nagkaroon ng mas matalas at radikal na ikalawang bahagi – ang Insurrecto. Nilalayon ng Insurrecto na banggain ang mga naghaharing ideolohiya sa pamamagitan ng patuloy na agsiwalat ng mga kabalintunaan, mahika, at pantasya na siyang ginagamit ng kasalukuyang anatomiya ng kapangyarihan ng kapitalismong neoliberal. Ang Insurrecto ay mapanghawi sa kung ano ang humahati; mapangbuhay sa naghihingalong makina ng subersyon; mapangwasak sa aghaharing konteksto na pinunlaan ng kapitalismo. Ang may-akda ay walang habas na kumokondena sa sistemang nilamon, sa wika nga ni Hegel, ng baligtad na pagtingin sa mundo (inverted world).