Description
Inasam ng may-akda na makasulat ng isang aklat na naglalaman mga pormularyong legal sa ating sariling wika na magagamit sa mga pangkaraniwang sinumpaang salaysay, kasulatan, at kasunduan, gayundin and mga pormularyong hudisyal na kadalasang ginagamit sa mga kaso sa hukuman.
Hindi naging madali ang pagsasakatuparan ang balaking ito lalo na’t kung isasaalang-alang na maraming salita sa wikang banyaga ang walang ganap na katumbas sa ating wikang pambansa. Subalit ang hamong ito ay hinarap ng may-akda sa pamamagitan ng malayang pagsasalin at pagbuo ng mga bagong salita at katagang magbibgay ng pinakamalapit na kasing-kahulugan, hindi man ito literal.