Description
Katulad niyo, nahihilo na ako sa Bar coverage. Although mayroong mga mainstay topics (Partnership, Corporation, Transportation, Insurance, Intellectual Property), yung Miscellaneous Commercial Laws ang paiba-iba. Well, kung iyan na ang standard recipe o minekus-mekus lang, magtiis ka. Nahihirapan din ako no? Taena.
Pero dahil sigurado akong hindi ikaw ang nawawalang tagapagmana ng isang mayaman na angkan kahit may birthmark ka pa na hugis-puso sa likod (yes, telenovela addict ako ngayon), wala kang magagawa except mag-aral. Di bale, may mababasa ka pa din na jokes and anecdotes at the end of the chapter na unfortunately unang binabasa at minememorize ng estudyante.