Description
Ang aklat na ito ay produkto ng masusing pananaliksik ni Abubakar na pinamagatang “Analisis sa Topograpikal na Elemento na Nakaimpluwensiya sa Pagbuo ng mga Kuwentong Bayan sa Lalawigan ng Cavite.” Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, pinagsama-sama ni Abubakar ang mga piling kuwentong-bayan at alamat mula sa iba’t ibang bayan ng Cavite, mga salaysayin na sa kabila ng pagiging bahagi ng panitikang oral, ay taglay ang lalim ng karanasang panlipunan at heograpikal ng mga mamamayan sa rehiyon.













