Description
Sa tabing-dagat nakatira si Tinoy at ang kaniyang pamilya na araw-araw naghahanap ng rangaranga mula sa dagat. Sama-sama silang sumisisid, namumulot sa dalampasigan, at naghahanda ng
kanilang huli para maipagbili sa palengke at ihawan sa tapat ng bahay. Sa gitna ng alon at amoyihaw sa hangin, ano kaya ang pinakamahalagang kayamanang matatagpuan ni Tinoy?







