Availability: In Stock

The Pabebe Chronicles: The Flower and the Warrior

Author: Jack Logan
SKU: YPABEBE26C

1,500.00

Categories: ,

Description

Sa rurok ng Erodas, maningning ang Diwata, makislap ang halamanan, ang mundo’y mahiwaga. Ang ginto ay damo sa paanan ng bundok, mahika’y dalisay sa bawat pagtibok. Doon ay payapa ang bawat nilalang, sa ilalim ng buwan, walang nagbibilang.

Ngunit ang tao ay nag-imbot ng yaman, pinaslang ang ganda sa gitna ng parang. Sinayang ang tamis ng mahabang mga taon, lakas ng bisig, sa bawat sulok nito’y lumaon. Dugo ay pumatak sa lupang sagrado, nalanta ang bulaklak, naglaho ang koro.

Sumabog ang Kulam sa aking huling hininga, at sa aking pagpanaw, nag-abo ang sigla. Ang ginto ay gumapang patungong silanganan, isinilang ang mga hari at umusbong ang kaharian. Tinakpan ang Evloz na puno ng dusa, paalam Erodas, paalam mahika.

Sa banggaan ng daigdig, dadanak sa lupa ang dugo. Sa dalisay na pag-ibig, ang panahon ay hihinto. Liliwanag ang kalangitan at ang halik ay malamig. At sa yakap ng huling bulaklak sa dakilang mandirigma, ang Erodas ay muling titindig.

– From the Ballad of Maia,
Evlozian Tales of Old and New

Additional information

Format

Hardcover

Page length

300 pages

ISBN

978-621-02-3429-9

Edition

2026