Availability: In Stock

Marunong Na Akong Tumawid

SKU: YMARTUM21S

100.00

A children’s story in a kathang de bulsa or pocket fiction (KBPF) version.

Description

Abstrak/Abstract

“Nang mabili ang paborito niyang sampalok, kinakailangan ni Kiko na malaman ang tamang paraan ng pagtawid.”

Limang Susing Salita

• kathang pambata
• panitikan
• wika
• pagsasalin
• malikhaing pagsusulat

Dito, ang Marunong Na Akong Tumawid ay isang maiksing kuwentong pambata sa bersiyong kathang de bulsa o pocket fiction (KBPF), na sinisikap abutin ang kabataang mambabasa na nasa edad 7 – 11; may kahiligan sa pagbabasa ng dalawang kritikal na wika—Filipino at Ingles; may panagimpan bagupaman magsulat; may hangarin na magsulat, dala-dala ang kaniyang sariling haraya.

Nasa tamang paraan umuugnay ang mahusay na likha. Masagana ang ani kung malusog ang binhi. Sadyang sinasaklaw ang may kahiligan sa kailaliman ng lengguwahe—Filipino at/o Ingles—kung kaya ay sinasangkap nito ang Ingles na pagsasalin mula sa orihinal na Tagalog. Sa umpisa ay kathâ, susundan ito ng mangá baryant na magbibigay-libang sa teknik ng pabula, at janra ng eco-humanities.

Sa panahong hinding-hindi magmamaliw na nananariwa ang galit ng ilan, tumataas ang antas ng pangangailangan at/o panawagan sa sustaining the archipelago kung kaya tumatawid din sa magkakaibang janra ang mensaheng ipinapaabot ng kathang ito. Bagamat ay may rural at biblical references, nasa kontemporaryo ang diwa ng nabanggit na kathâ habang nililibang ang kabataang mambabasa, at inaabot ang perfect reader/s.

Nasa malikhaing pagsusulat na ito ang paghihikayat—sapat na pagkamulat; sumulat nang sumulat, ipakita at ipahiwatig imbes na sabihin sa pamamagitan ng pagsusulat. Sa kinalaunan, iiwan ang mambabasa ng ginintuang aral na siyang bertud ng Filipinong mapagmamalasakit nang higit sa kaniyang kapuwa.

A children’s story in a kathang de bulsa or pocket fiction (KBPF) version.

Additional information

Format

Paperback

Page length

20 pages

Edition

2021