Description
Ang aklat na ito na pinamagatang “Katarungang Pambarangay: Alternatibong Resolusyon ng mga Hidwaaan sa Pamayanan” ay ikatlo sa serye ng mga isinulat ng mayakda na may kinalaman sa lokal na pamamahala.
Layunin ng mga aklat ito na magabayan ang ating mga lokal na opisyal, lalo na yaong mga bago pa lamang sa panunungkulan, tungkol sa mga umiiral na batas at alituntunin sa larangan ng pamamahala, maging sa sangay man ng ehekutibo o sa antas ng lehislatura o sanggunian.